Surprise Winners sa Kasaysayan ng UEFA European Championship

Talaan ng Nilalaman

Ang UEFA European Championship na kilala din sa tawag na Euros ay isang mataas na antas ng kompetisyon sa mundo ng football. Ang Euros ay nagbibigay din ng ilan sa mga pinaka-memorable at nakakagulat na mga panalo sa kasaysayan ng football kahit pa maraming mga malalakas na teams ang kasali dito hindi pa din dapat isantabi ang ibang teams. Ang mga panalo ng underdog na ito ay hindi lang nagbigay ng inspirasyon sa mga fans kundi pinakita din ang hindi inaasahang kagandahan ng football. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng JB Casino para malaman ang ilan sa mga underdog champions sa kasaysayan ng UEFA European Championship. Sa Kasaysayan ng Euros ay may mga pagkakataon na nagdudulot ng mga nakakagulat na panalo. Ang ilan sa mga surprise winners na aming babanggitin mamaya ay nagpakita ng galing at determinasyon sa kanilang kampanya sa tournament na kahit hindi sila ang inaasahan na magkakampeon. Ang kanilang tagumpay ay nagdala ng karangalan at saya sa kanilang mga bansa at mga fans kaya naman ang UEFA European Championship ay nakakaexcite.

Denmark (1992)

Isa sa pinakasikat na kwento ng underdog sa kasaysayan ng Euros ay ang hindi inaasahang pagkapanalo ng Denmark noong 1993. Ang Denmark ay hindi nakapasok sa tournament nung una pero dahil na-disqualified ang Yugoslavia ay nabigyan sila ng pagkakataon na makapasok. Ang mga manlalaro ng Denmark ay kailangan putulin ang kanilang summer holiday para lumaban sa group stage ng tournament kasama ang France at England. Ang Denmark ay nagpakita ng matinding team spirit at tactical na diskarte. Sa unang round ay draw ang kinalabasan ng kanilang dalawang laro laban sa England at France at nanalo sila laban sa Sweden na nagdala sa kanila sa semifinals.

Sa semifinals ay nakatapat ng Denmark ang defending champions na Netherlands. Sa kabila ng pagiging underdog sila ay nanalo matapos ang laban sa 2-2 draw sa regulation time at pagkatapos ay nanalo sa penalty shootout, 5-4. Ang kanilang galing na pinakita sa semifinals ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon para lumaban sa championship game kontra sa Germany. Dahil sa kanilang defensive at tactical na diskarte sila ay nanalo kontra sa Germany na nagtapos sa score na 2-0. Ang tagumpay ng Denmark sa UEFA Euro 1992 ay nagdala ng karangalan at saya sa kanilang bansa.

Greece (2004)

Ang tagumpay ng Greece sa UEFA European Championship 2004 ay tinuturing na pinaka-nakakagulat sa kasaysayan ng tournament. Ang Greece ay tinuturing na underdog na may maliit na chance na makalagpas sa group phase. Kilala sila sa kanilang disiplinado at defensive style of play at tinalo nila ang lahat ng inaahasan na magkakampeon. Sa group phase ay tinalo ng Greece ang host country na Portugal at nagdraw naman ang laban nila kontra sa powerhouse sa Spain. Sa knockout stage naman ay nagpatuloy ang impressive performance ng Greece. Sila ay nanalo kontra sa powerhouse na France sa quarterfinals, 1-0. Sa semifinals naman ay nagawa din nilang manalo kontra sa Czech Republic, 1-0 sa pamamagitan ng penalty shootout pagkatapos ng 0-0 draw sa regulation period. Nakaharap ng Greece ang Portugal ulit sa finals na kinokonsidera na magchachampion dahil sila ang host country. Sa kabila ng pagiging underdog, ang Greece ay nagpakita ng matinding determinasyon at nanalo kontra sa Portugal sa score na 1-0. Ito ay isang nakakabilib na underdog team na nagpatunay na ang kahusayan, determinasyon at teamwork ay pwedeng magdala sa tagumpay sa international football.

The Netherlands (1988)

Ang Netherlands ay kilala bilang isang bansang mahilig sa football na may pinakamaraming talento pero ang kanilang panalo noong 1988 European Championship ay isang malaking sorpresa pa din dahil sa kanilang mga nakaraang paghihirap sa malalaking tournament. Sa pamumuno ni Rinus Michels ay pinakita nila na ang kombinasyon ng taktikal na talino at galing ay kaya nilang manalo. Sa unang round ng group phase ay nagpakita agad sila ng agresibong laro at nanalo laban sa England, 3-1 at nanalo din laban sa Ireland, 1-0 at nagtapos naman sa draw ang laban nila ng Soviet Union. Ang kanilang magandang performance sa group phase ay nagdala sa kanila sa semifinals.

Ang defending champion na West Germany ang nakalaban nila sa semifinals na isang intense na laro at sila ang nanalo sa score na 2-1 at sila ay dumiretso na sa finals. Nakalaban ulit ng Netherlands ang Soviet Union sa finals sa Olympic Stadium sa Munich at sa isang intense game din ay nanalo ang Netherlands sa score na 2-0. Ito ang kauna-unang European Championship title ng Netherlands at ang tagumpay nila ay nagdala ng karangalan at saya sa kanilang bansa. Ito ay nagpapakita ng kanilang husay sa football at ang kanilang kakayahan na mag-contribute sa mga crucial at decisive moments. Ang kanilang pagkapanalo din ay nagpakita ng kahalagahan ng teamwork at determinasyon.

Portugal (2016)

Ang panalo ng Portugal noong 2016 UEFA European Championship ay isang nakakagulat na kwento. Pinangunahan ito ni Cristiano Ronaldo na isa sa mga pinakamahusay na manlalaro sa mundo. Sa unang round ng group phase, tabla ang lahat ng laro nila kontra sa Iceland, Austria at Hungary. Nakapasok lang sila sa next round dahil sila ang may pinakamagandang record na third-placed team. Sa knockout stage ay nanalo sila kontra sa Croatia dahil nagpatuloy ang kanilang impressive performance sa score na 1-0 sa pamamagitan ng isang overtime goal. Sa quarterfinals naman ay nakaharap nila ang Poland at nanalo sila sa pamamagitan ng penalty shootout, 5-3 matapos ang 1-1 draw sa regulation time. Sa semifinals naman ay nakatapat nila ang Wales at nanalo sa score na 2-0 at ito ang nagdala sa kanilang kauna-unahang European Championship finals sa loob ng 12 na taon. Sa finals ay nakalaban nila ang host team na France. Na-injured si Cristiano Ronaldo sa first half pero sila ay nanalo pa din sa overtime sa score na 1-0 at ito ang kanilang unang European Championship title. Ito ay makasaysayang tagumpay na nagpakita sa kanilang husay at determinasyon

Konklusyon

Ang kasaysayan ng UEFA European Championship ay puno ng mga kwentong hindi inaasahang mga tagumpay na magbibigay satin ng inspirasyon sa mga fans ng football sa buong mundo. Ang mga nakakagulat na panalo na ito ay hindi lang basta nagpapakita ng drama at excitement kundi nagsilbi ding paalala satin na ang lahat ay posible. Kung magkakaroon tayo ng determinasyon at kagustuhan na manalo ay magagawa natin ito.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Lodi Lotto, BetSo88, 7BET at Rich9. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang mga tagumpay ng mga surprise winners ay nagpakita na anumang bagay ay posible sa football.

Ang mga koponan ay kinakailangang dumaan sa isang qualifying round upang makapasok sa Euro.

You cannot copy content of this page