Talaan ng Nilalaman
Ang roulette ay isang sikat na laro sa casino na nagpapasaya sa mga manlalaro sa loob ng maraming siglo. Mula sa elaganteng casino ng Monte Carlo hanggang sa Las Vegas at ngayon pati na din sa mga online casino. Dahil sa nakakaakit na laro na ito, ang mga manlalaro ay patuloy na naghahanap ng mga estratehiya at Sistema para mapataas ang pagkakataon na manalo. Pero paano nga ba mananalo sa roulette? Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng JB Casino para sa higit pang impormasyon.
Ang Sistema ng roulette ay isang sikat na paraan sa pagsusugal na makikita mo sa mga casino sa buong mundo. Maraming mga manlalaro ang gumagamit ng iba’t-ibang estratehiya para subukan talunin ang roulette. Ang mga Sistema na ito ay pwedeng magbigay ng ilusyon ng control dahil ang roulette ay isang laro ng swerte at walang sistema ang makakasiguro ng panalo. Ang pagiging random ng bawat round sa roulette ay nagtatanggal ng mga mathematical advantage na pwedeng akalain ng mga manlalaro na meron sila. Patuloy pa din ang kasikatan ng roulette dahil masaya siya laruin. Sa kabila ng pagiging isang laro ng swerte ng roulette, maraming mga manlalaro ang nasisiyahan sa paggawa ng kanilang sariling diskarte para manalo.
Pag-unawa sa House Edge
Mahalaga na malaman ng manlalaro ang house edge bago alamin ang mga Sistema sa roulette. Ang house edge ay ang porsyento na hawak ng mga casino sa mga manlalaro sa lahat ng laro. Halimbawa sa European roulette, dahil may isang zero lang dito ang house edge ay nasa 2.7% lang pero sa American roulette na may dalawang zero, ang house edge ay umaabot sa 5.26%. Ang house edge ay isang mahalagang konsepto sa pagsusugal na tumutukoy sa mathematical advantage ng hawak ng isang casino sa mga laro na meron sila. Ito ay porsyento ng bawat taya na inaasahang panalo ng casino. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa house edge ay makakatulong sa mga manlalaro na maunawan ang kanilang pagkakataon na manalo at kung gaano kalaki ang pwedeng mawala sa kanila.
Ang house edge ay iba iba depende sa laro sa casino. Iba sa roulette, iba sa blackjack, iba sa slots. Ang pagkakaiba nila ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang pagpili ng tamang laro. Mahalaga din na tandaan na ang house edge ay isang long term average. Sa maikling oras, pwedeng manalo o matalo ang manlalaro ng malaking pera pero ang mga numero ay nag-aayos pabalik sa inaasahang porsyento dahil sa house edge. Ang house edge ang dahilan kung bakit ang mga casino ay palaging merong kita. Pero kahit ganito ay marami pa ding mga manlalaro ang patuloy na nag-eenjoy sa pagsusugal. Ang pag-unawa sa house edge ay hindi ibig sabihin ay wag na magsugal sa casino. Ito ay nagbibigay ng mas malinaw na pananaw kung paano gumagana ang mga laro at kung ano ang pwedeng asahan ng manlalaro. Ang house edge ay makakatulong din sayo para gumawa ng mas matalinong desisyon at tamang pamamahala ng pera bago pa magsimula ang laro.
Mga Sistema ng Roulette
Madaming Sistema at estratehiya ang ginawa para matalo ang house edge, ang mga sistemang ito ay nagsimula sa simple hanggang sa naging kumplikado. Ilan sa mga sikat na Sistema ay ang martingale, Fibonacci, labouchere at d’alembert at ang bawat isa ay may kanya-kanyang patakaran. Kahit sikat itong mga ito ay hindi pa din pwedeng baguhin ng mga Sistema na ito ang pangunahing matematika sa likod ng laro. Ang resulta ng laro ay naka-random at walang makakapredict ng lalabas dito at hindi maaapektuhan ng mga sistemang ito ang resulta ng laro pero ang ilang mga Sistema na ito ay pwedeng maging epektibo. Sa ngayon ay tatalakayin lang natin ang dalawa sa pinakasikat na Sistema.
Martingale
Isa sa pinaka-una at pinakasikat ang martingale. Simple lang ito, pagkatapos ng bawat pagkatalo mo ay kailangan mong doblehin ang iyong taya sa susunod na round. Ang idea ng martingale ay nasa huli, ikaw ay mananalo kapag Nabawi mo na ang lahat ng iyong pagkatalo. Lumilitaw ang disadvantage ng Sistema na ito kapag iniisip na ang mga limitasyon sa pagtaya at ang potensyal na sunod sunod na pagkatalo ay mauwi sa pagkalugi. Kung titignan ay parang practical itong Sistema na ito pero merong panganib na katumbas. Pwedeg maubos agad ang pera mo kapag sunod sunod ang pagkatalo mo at ang ibang casino ay meron lamang betting limit kaya hindi mo pwedeng taasan ang iyong taya. Dahil dito ang martingale system ay walang garantiya na panalo at kadalasan ay nagdudulot ng malaking pagkalugi. Kailangan malaki ang budget mo sa paglalaro kung gagamiting mo itong Sistema na ito. Mahalaga na magkaroon ng limitasyon sa pagtaya at maglaro ng responsible.
Fibonacci
Ang Fibonacci system ay isang estratehiya na ginagamit sa roulette at pati na din sa blackjack. Base ito sa Fibonacci sequence na kung saan ang bawat numero ay resulta ng pinagsamang halaga ng dalawang naunang numero. Halimbawa, 1,1,2,3,5,8 at susunod pa. Sa sistemang ito ang mga manlalaro ay susundin ang sequence na ito sa pagtaya. Magsisimula ang manlalaro sa maliit na halaga sa pagtaya, halimbawa ₱1 at kapag natalo ang susunod na taya ay ₱1 ulit at kapag natalo ay magiging ₱2 na at kapag natalo pa ulit magiging ₱3 na ang susunod na taya. Ang layunin ng Fibonacci system ay mabawi ang mga natalong taya sa pamamagitan ng pagdagdag ng mas mataas na halaga sa bawat pagkatalo pero hindi kasing agresibo ng martingale system. Mas ligtas ito kumpera sa martingale system pero meron pa ding panganib tulad ng pagkakaroon ng sapat na pera para masunod ang sequence at sa pag-abot sa betting system ng casino.
Konklusyon
Sa paglalaro ng roulette ay walang shortcut o madalung paraan para sa siguradong panalo. Pwedeng makadagdag ang mga estratehiya na ito sa iyong pagkakataon na manalo at dagdag kasiyahan sa laro. Laging tandaan na ang roulette ay isang laro ng swerte na kung saan ang bawat round ng gulong ay may dalang saya at walang katiyakan na panalo. Maging responsable sa paglalaro at magkaroon ng limitasyon dahil ang pagsusugal ay hindi dapat gawing hanapbuhay o trabaho, ito ay libangan lang para sa may mga extra na pera.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Lodi Lotto, BetSo88 at Rich9. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Bagamat ang mga sistemang ito ay nagbibigay ng istruktura sa paraan ng pagtaya, walang tiyak na garantiya na ito ay magbibigay ng panalo. Ang Roulette ay isang laro ng tsansa at ang resulta ay hindi mahuhulaan. Mahalaga na maglaro nang responsable at magtakda ng limitasyon sa pagtaya.
Maraming online casino ang nag-aalok ng libreng demo version ng roulette. Ito ay magandang paraan para magpraktis at maintindihan ang laro bago maglaro gamit ang totoong pera.