Talaan ng Nilalaman
Lalaban ang Gilas Pilipinas para makapag-book ng ticket para sa 2024 Paris Olympis na gaganapin sa July. Ito na ang huling pagkakataon ng Pilipinas para makapasok sa napakasikat ng tournament na ito matapos na hindi magtagumpay sa FIBA World Cup na may direct ticket sana papuntang Olympics. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng JB Casino para sa higit pang impormasyon.
Plano ng Gilas Pilipinas na maputol na ang 52-year drought sa Olympics, sinubukan nila ito noong nakaraang FIBA World Cup na ginanap mismo sa Pilipinas ngunit bigo silang makuha ang Best Asian Team para makapasok sa Olympics. Hindi pa natatapos ang chance ng Pilipinas dahil lalaban pa sila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa July 2 hanggang July 7 sa Latvia.
Nasa Group A ang Pilipinas kasama ang host na Latvia at Georgia. Apat na teams ang kukunin sa Olympic Qualifying Tournament para makapasok sa Olympics. Mayroong walong grupo at bawat grupo ay may tatlong teams. Ang ibang teams pa na lalaban sa Olympic Qualifying Tournament ay ang Lebanon, Angola, Spain, Finland, Poland, Bahamas, Brazil, Cameroon, Montenegro, Slovenia, New Zealand, Croatia, Egypt, Greece, Dominican Republic, Mexico, Ivory Coast, Lithuania, Italy, Puerto Rico at Bahrain
Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023
Ginanap ang FIBA World Cup sa Pilipinas at nagkaroon ng malaking chance ang Gilas Pilipinas na makuha ang Best Asian Team para makakuha ng automatic ticket sa Olympics ngunit bigong makuha ito ng Gilas Pilipinas dahil nakuha ng Japan ang best Asian team dahil sa mas maganda nilang win-loss record. Nagtapos ang Gilas Pilipinas sa 24th place. Ang Japan ay mayroong 3-2 na record at ang Pilipinas naman ay 1-4.
Ang FIBA World Cup ay ang diretsong daan papuntang Olympics. Pitong teams ang makakakuha ng ticket para dito, dalawa sa Amerika, dalawa sa Europe at tig-iisa naman sa Africa, Asia at Ocenia. Ang isang ticket ay nasa host team na France na at ang apat pa ay paglalabanan sa Olympic Qualifying Tournament.
Ang paglalakbay ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ay hindi naging Madali ngunit nagkaroon din sila ng malaking chance para maging Best Asian Team sa likod ng mga fans dahil sa homecourt advantage pero ang mga nakalaban ng Gilas Pilipinas ay hindi naging Madali.
Unang nakalaban ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic, ito ang kanilang unang paghaharap sa FIBA World Cup. Noong 2020 ay naglaban sila sa FIBA Olympic Qualifier at nanalo ang Dominican Republic. Sa pagtatapat nila sa FIBA World Cup ay nanalo ang Dominican Republic. Nabreak ng larong ito ang gate attendance para sa FIBA World Cup na may 38,115 fans. Binura nila ang record na nagawa noong 1994 na may 32,616 fans.
Pangalawang nakalaban ng Gilas Pilipinas ang Angola at ito din ang pangalawang pagtatapat nila sa FIBA World Cup. Nanalo ang Angola noong 2019 at nanalo ulit ngayong 2023. Ang ikatlo at huling laro ng Gilas Pilipinas para sa elimination round ay ang Italy, ito din ang pangatlong paghaharap nila sa World Cup at lahat ng tatlong laban ay nanalo ang Italy, ang dalawang nauna ay noong 1978 at 2019.
Ang Gilas Pilipinas ay papasok sa classification phase, sa puntong ito, walang Asian team ang nakapasok sa 2nd round kaya naman buhay na buhay pa ang chance ng Gilas Pilipinas para sa Olympic ticket. Unang nakalaban ng Gilas Pilipinas sa classification phase ang South Sudan at ito din ang una nilang paglalaban sa FIBA World Cup at nagwagi ang South Sudan. Sa pagkatalo na ito ay nawalan na ng pagkakataon ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympics dahil nakakadalawang panalo na ang Japan. Huling nakalaban ng Gilas Pilipinas ang China at nanalo ang Pilipinas dito, ito ang unang panalo ng Gilas Pilipinas sa World Cup matapos ang siyam na taon.
Ang Pagpalit ng Coach ng Gilas Pilipinas
Pagkatapos mismo ng huling laro ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup ay nagpahayag na ang head coach nito na si Chot Reyes na siya ay magreresign na bilang head coach ng national team. Bago pa magsimula ang Asian Games sa China ay inanunsyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP na si Tim Cone na ang magiging head coach ng Gilas Pilipinas sa Asian Games ng ginanap noong September 2023.
Si Time Cone ay assistant coach ni Chot Reyes sa FIBA World Cup kaya naman hindi naging mahirap sa SBP ang pagpili kay Time Cone. Sila Richard Del Rosario naman ang magiging assistant coach kasama sila Jong Uichico, Josh Reyes at LA Tenorio. Si Al Francis Chua na sports director ng San Miguel Corporation at Barangay Ginebra Governor ang magiging team manager kasama si Willie Marcial, ang PBA Commissioner. Pagkatapos ng Asian Games at sa pagpasok ng 2024 inanunsyo din ng SBP na si Tim Cone na ang magiging head coach ng Gilas Pilipinas sa susunod na apat na taon.
Gilas Pilipinas sa Asian Games
Ang 2022 Asian Games ay nagsimula noong September 26, 2023. Ito ay tinawag na 2022 Asian Games dahil ito ay dapat naganap noong 2022 pero dahil sa pandemic ay naurong ito. Walang kinalaman ang Asian Games para sa Olympics o Olympic Qualifying Tournament. Ito ay magsisilbi lamang ensaho o pagkakakilanlan ng mga manlalaro dahil karamihan ng nasa lineup ay sila din ang maglalaro sa Olympic Qualifying Tournament.
Ang unang dalawang nakalaban ng Gilas Pilipinas ay ang Bahrain at Thailand na pareho nilang tinambakan. Pangatlo o huling kalaban ng Gilas Pilipinas para sa elimination game ay ang Jordan. Ang Jordan ay isa malakas na team sa grupo nila at naglaro din sa nagdaang FIBA World Cup. Kung sino ang mananalo sa laban na ito ay didiretso na sa quarterfinals ang matatalo naman ay magkakaroon pa ng isang laro. Natalo nga ang Gilas Pilipinas sa Jordan kaya naman kailangan pa ng Gilas Pilipinas ng isang laro para makapasok sa quarterfinals at kailangan nilang ipanalo ito. Nakatapat ng Gilas Pilipinas ang Qatar at nanalo sila kaya naman tumuloy na sila sa quarterfinals.
Pagdating ng final stage, nakalaban ng Gilas Pilipinas ang Iran sa quarterfinals at nanalo sila. Sa semifinals naman ay nakatapat ng Gilas Pilipinas ang host country na China, ito ay isang matinding laban sa pagitan ng dalawang bans ana nagtapos sa 1-point win ng Gilas Pilipinas. Pagdating ng championship game nakatapat muli ng Gilas Pilipinas ang Jordan pero sa pagkakataon na ito ay nanalo na ang pambansang koponan. Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas matapos ang 61 years sa Asian Games.
Ang Hinaharap ng Gilas Pilipinas
Isang tournament pa ang nilaruan ng Gilas Pilipinas bago ang Olympic Qualifying Tournament at ito ang FIBA Asia Cup Qualifiers, katulad ng Asian Games, wala itong kinalaman para sa Olympics at Olympic Qualifying Tournament. Ito ay magsisilbing ensayo para sa mga manlalaro para makabisado ang Sistema ni Tim Cone. Parehong tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Hongkong at Chinese Taipei na isang Magandang senyales para sa pambansang koponan.
Nanumbalik ang sigla at interes ng mga fans sa Gilas Pilipinas dahil sa pinakita nito at dahil sa bagong coach na madami na ang napatunayan. Hindi magiging madali ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament dahil malalakas ng bansa din ang makakalaban nila dito Sasandal ang ating pambansang koponan sa sistema ni Tim Cone at sa mga fans na patuloy na sumusuporta. Pitong beses ng nakapasok ang Pilipinas sa Olympics pero ang pinakahuli ay noon pang 1972.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Ang Olympics ay may iba’t ibang mga pampalakasan, kabilang ang athletics , aquatics, gymnastics, cycling, volleyball, football, at marami pang iba.
Ang Summer Olympics ay naglalaro ng mga pampalakasan sa labas, tulad ng athletics at aquatics, habang ang Winter Olympics ay nagtatampok ng mga pampalakasan na nauugnay sa snow at yelo, tulad ng skiing, figure skating, at ice hockey.